Sa mga hirap maka-getover…..
March 7th, 2007 by erlebnis… sana matulungan kayo nito.
Hango ito sa isang blog. Ipinakita niya ang tangka ng isang taong isalin ang Sonnet XX ni Pablo Neruda. Nabura lamang ng saling ito ang "couch sinker" impresyon na ibinibigay ng makata (Neruda) sa bawat pagbasa ko ng kanyang mga tula.
Ewan ko na lang kung di pa kayo mapangiti pagdating sa dulo.
Sonnet XX
(a translation of Pablo Neruda’s "Tonight I can write the saddest lines" by Mark Angeles)
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.
Mag-scribble-skribulan halimbawa: "Ang gabi aypilantod
at nangangalantutay, bugbog-sarado, ang mgabituin sa malayo.
Paroo’t parito ang hangin at ngumangawangparang baka.
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayonggabi.
Labs ko sya, at minsan daw labs nya rin ako.
Sa mga gabing tulad nito, nilalamas ko sya sa aking kandungan.
Nilalaplap ko sya sa silong ng marvelous na kalangitan.
Labs nya ko, at minsan labs ko rin sya.
Panong di ko mamahalin ang malalaki’t bilugan nyang mga mata–
parang pugita?
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.
Imagine kong wala sya sakin. Ma-feel kong na-lost ko na sya.
Mapakinggan ko ang gabing OA, mas lalong OA dahil wala sya.
At ang talinhaga ay dumidila sa malay tulad ng hamog sa talahib.
Ano pa bang meron dyan, Ineng, kung hindi sya mapapasaakin?
Period. Sa malayo, may ngumangawa. Sa malayo.
Aburido ang multo ko sa pagkawala nya.
At para bagang nandyan lang sya sa tabi-tabi, hinahanap ko pa sya.
Hinahanap sya ng puso ko, kapag wala sya satabi ko.
Ang gabi ring ito’y ngkukulapol ng dirty white sa mga troso.
Hindi na kami ang dating kaming kami.
Hindi ko na sya labs, pramis, pero labs na labs ko sya dati.
Hinahagilap ng hininga ko ang hangin para bugahan sya.
Nilalaplap na sya ng iba, tulad ng paglaplap ko sakanya.
Ang boses nya, ang seksi nyang wankata, ang for layp nyang mga mata.
Hindi ko na sya labs, pramis, pero medyo labidabs ko pa rin sya.
Maigsi lang ang labyap ko pero ang makalimot,
sangkatutak na 50 golden years ang inaabot.
Dahil sa mga gabing ganito nilalamas ko sya sa aking kandungan,
Aburido ang multo ko sa pagkawala nya.
Kahit ito na ang last chance ko para magmaasim
at ito na rin ang huling chuminess ko sa kanya.
Pabling Neruds…Yon na!
