Archive for March, 2006

take charge…

Thursday, March 30th, 2006

getting hold of something is not about enjoying an authority, more often than not it means taking care of those who are under your nose.  it is not to have a tight grip of those people, it is to give them the chance to work on their own while not failing to watch over them.  believe me, it has never been a chance for powerplay; for more often than not, it is even a leeway to be hurt by the ungrateful and the worthless.

ayoko na… can somebody take charge?  mas okay pa ata maging patabaing aso eh… pakainin ng high-end dog food, ilakad sa kung saang magandang park; masaya na.

kasalanan mo rin naman kase fleur eh, ang hirap mo pasayahin. =P   hmmm, akala lang nila yun.

POESIS: LITMUS

Sunday, March 26th, 2006

Mula sa tenga’y

dumadaloy

   ang asim ng pangalan sa aking ulo hanggang

   sa umabot sa utak na maghahalo nito sa napapanis na emosyon,

tutungo

   ito sa aking pisnging biglang mag-iinit, pababa

   sa aking labi na nagpipigil bumulalas ng murang di kaasiman kaysa

   sa unang narinig. 

   (Oo, wala nang aasim pa sa mga nasambit!)  Ang di nasabi’y

bababa

   sa lalamunan, sa paglunok ng

   sarili at nang karapatang masaktan, sabay

tatarak

    sa puso na magdudulot ng

    sariling pagkatunaw.   Ang natunaw ay

aagos

    paakyat sa ulo, at pilit na

ilalabas

     sa katawan (wala rin naman kasing ibang magagawa)…. at

isusuka

     ng mga magang mata. 

Isa akong litmus sa isang payak na ngalan,

marikit para sa sumambit

ngunit masakit sa nakarinig.